Sabado, Mayo 18
O Jehova, bakit dumarami ang aking mga kalaban?—Awit 3:1.
“Ang puso ng mga lalaki ng Israel ay sumusunod kay Absalom,” ang sabi ng mensahero. (2 Sam. 15:13) Palibhasa’y nagtataka kung bakit napakaraming sumusuporta kay Absalom, itinanong ni David ang nasa itaas. Iniisip ng maraming Israelita na hindi ililigtas ni Jehova si David mula sa kamay ni Absalom at ng mga tauhan nito. Pero panatag si David dahil buo ang tiwala niya sa Diyos. Umawit siya: “Gayunma’y ikaw, O Jehova, ay isang kalasag sa palibot ko, ang aking kaluwalhatian at ang Isa na nagtataas ng aking ulo.” (Awit 3:3) Nakatitiyak si David na poprotektahan siya ni Jehova kung paanong pinoprotektahan ng kalasag ang isang kawal. Oo, ang matanda nang hari ay tumatakas na may takip ang ulo at nakayuko dahil sa kahihiyan. Pero babaguhin ng Kataas-taasan ang kaniyang kawawang kalagayan tungo sa kaluwalhatian. Tutulungan siya ni Jehova na makatayo nang tuwid at muling maitaas ang kaniyang ulo. Tumawag si David sa Diyos anupat nagtitiwalang sasagutin Niya siya. Ganiyan din ba ang pagtitiwala mo kay Jehova? w11 5/15 5:3, 4
Mayo 13 Pagbabasa ng Bibliya: Juan 5-7
Blg. 1: Juan 6:22-40
Blg. 2: Bakit Kailangang Ilaan ang Pantubos sa Gayong Paraan? (rs p. 325 ¶3-5)
Blg. 3: Paano Natin Maikakapit ang Simulain sa Bilang 15:37-40?