22 At kumuha kayo ng isang bigkis ng isopo+ at isawsaw ninyo iyon sa dugo na nasa palanggana at ipahid ninyo sa itaas na bahagi ng pintuan at sa dalawang poste ng pinto ang dugo na nasa palanggana; at walang sinuman sa inyo ang lalabas sa pasukan ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan.
51 At kukunin niya ang tablang sedro at ang isopo+ at ang sinulid na iskarlatang kokus at ang buháy na ibon at isasawsaw niya ang mga iyon sa dugo ng ibong pinatay at sa sariwang tubig, at iwiwisik niya iyon+ sa bahay nang pitong ulit.+
18 At ang isang taong malinis+ ay kukuha ng isopo+ at isasawsaw iyon sa tubig at iwiwisik iyon sa tolda at sa lahat ng sisidlan at sa mga kaluluwa na naroroon at sa humipo ng buto o ng napatay o ng bangkay o ng dakong libingan.
33 At siya ay nagsasalita tungkol sa mga punungkahoy, mula sa sedrong nasa Lebanon+ hanggang sa isopo+ na tumutubo sa pader; at siya ay nagsasalita tungkol sa mga hayop+ at tungkol sa mga lumilipad na nilalang+ at tungkol sa mga bagay na gumagala+ at tungkol sa mga isda.+