16 “Ang Samaria ay ituturing na may-sala,+ sapagkat siya ay totoong mapaghimagsik laban sa kaniyang Diyos.+ Sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sila.+ Ang kanilang mga anak ay pagluluray-lurayin,+ at ang kanilang mga babaing nagdadalang-tao ay wawakwakin.”+
11 “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘May isang kalaban sa palibot ng lupain,+ at tiyak na ibabagsak niya ang iyong lakas mula sa iyo, at ang iyong mga tirahang tore ay talagang darambungin.’+
6 At ang Samaria ay gagawin kong isang bunton ng mga guho sa parang,+ ang mga dakong taniman ng ubasan; at ibubuhos ko sa libis ang kaniyang mga bato, at ang kaniyang mga pundasyon ay ihahantad ko.+
16 At ang mga batas ni Omri+ at ang lahat ng gawa ng sambahayan ni Ahab ay iniingatan,+ at lumalakad kayo sa kanilang mga payo;+ upang gawin kitang bagay na panggigilalasan at ang mga tumatahan naman sa kaniya ay bagay na sisipulan;+ at ang pandurusta ng mga bayan ay inyong papasanin.”+