4 “Magbigay-pansin ka sa akin, O bayan ko; at ikaw na aking liping pambansa,+ ako ay pakinggan mo. Sapagkat mula sa akin ay lalabas ang isang kautusan,+ at ang aking hudisyal na pasiya ay pananatilihin ko bilang liwanag nga sa mga bayan.+
19 At ito ang saligan sa paghatol, na ang liwanag+ ay dumating sa sanlibutan+ ngunit inibig ng mga tao ang kadiliman sa halip na ang liwanag,+ sapagkat ang kanilang mga gawa ay balakyot.
12 Sa gayon ay nagsalitang muli si Jesus sa kanila, na sinasabi: “Ako ang liwanag+ ng sanlibutan. Siya na sumusunod sa akin ay hindi sa anumang paraan lalakad sa kadiliman,+ kundi magtataglay ng liwanag ng buhay.”
14 Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+
15 upang kayo ay maging walang kapintasan+ at walang muwang, mga anak+ ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang liko at pilipit na salinlahi,+ na sa gitna nila ay sumisikat kayo bilang mga tagapagbigay-liwanag sa sanlibutan,+