40 At bilang tugon ay sasabihin ng hari+ sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung paanong ginawa ninyo iyon sa isa sa pinakamababa+ sa mga ito na aking mga kapatid,+ ginawa ninyo iyon sa akin.’+
16 “Siya na nakikinig+ sa inyo ay nakikinig din sa akin. At siya na nagwawalang-halaga sa inyo ay nagwawalang-halaga rin sa akin. Isa pa, siya na nagwawalang-halaga sa akin ay nagwawalang-halaga+ rin sa kaniya na nagsugo sa akin.”
44 Gayunman, sumigaw si Jesus at nagsabi: “Siya na nananampalataya sa akin ay nananampalataya, hindi lamang sa akin, kundi sa kaniya rin na nagsugo sa akin;+
20 Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Siya na tumatanggap sa sinumang aking isinusugo ay tumatanggap din sa akin.+ Siya naman na tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.”+