-
Mateo 17:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sinabi niya sa kanila: “Dahil sa inyong kakaunting pananampalataya. Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo ay may pananampalataya na kasinlaki ng butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka mula rito patungo roon,’ at lilipat ito, at walang magiging imposible para sa inyo.”+
-
-
Mateo 21:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung may pananampalataya lamang kayo at hindi nag-aalinlangan,+ hindi lamang ninyo magagawa ang ginawa ko sa puno ng igos, kundi gayundin kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Mabuhat ka at mapahagis sa dagat,’ iyon ay mangyayari.+
-