22 Sa ikatlong pagkakataon ay sinabi niya sa kanila: “Bakit, anong masamang bagay ang ginawa ng taong ito? Wala akong anumang nasumpungan sa kaniya na karapat-dapat sa kamatayan; kaya parurusahan ko siya at palalayain siya.”+
13 Niluwalhati+ ng Diyos ni Abraham at ni Isaac at ni Jacob,+ na Diyos ng ating mga ninuno, ang kaniyang Lingkod,+ si Jesus, na sa ganang inyo ay ibinigay ninyo+ at itinatwa sa harap ni Pilato, nang ipasiya na nitong palayain siya.+