12 Kaya dahil sa inyo ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho,+ at ang bundok ng bahay ay magiging gaya ng matataas na dako ng kagubatan.
28 Si Jesus ay bumaling sa mga babae at nagsabi: “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag na kayong tumangis para sa akin. Sa kabaligtaran, tangisan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak;+