-
1 Hari 19:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pagkatapos, humiga siya at nakatulog sa ilalim ng punong retama. Mayamaya, isang anghel ang humipo sa kaniya+ at nagsabi: “Bumangon ka at kumain.”+ 6 At nakita niya sa ulunan niya ang isang bilog na tinapay sa ibabaw ng pinainit na mga bato at isang banga ng tubig. Kumain siya at uminom at humiga ulit.
-