-
Mateo 9:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Nang makapasok siya sa bahay, lumapit sa kaniya ang mga bulag, at tinanong sila ni Jesus: “Nananampalataya ba kayo na mapagagaling ko kayo?”+ Sumagot sila: “Opo, Panginoon.” 29 Kaya hinipo niya ang mga mata nila+ at sinabi: “Mangyari nawa ang pinaniniwalaan ninyo.” 30 At nakakita sila. Mahigpit silang tinagubilinan ni Jesus: “Tiyakin ninyong walang makaaalam nito.”+
-