Job
33 “Pero ngayon, Job, pakisuyong makinig ka sa akin;
Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko.
3 Makikita sa mga salita ko na matuwid ang puso ko,+
At buong katapatang sinasabi ng mga labi ko ang nalalaman ko.
4 Nilikha ako ng mismong espiritu ng Diyos,+
At ang mismong hininga ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang nagbigay ng buhay sa akin.+
5 Kung may maisasagot ka, sabihin mo lang;
Maghanda ka, at iharap mo sa akin ang mga argumento mo.
7 Kaya huwag kang matakot sa akin;
Hindi ka madudurog dahil sa bigat ng mga salita ko.
8 Pero narinig kong sinabi mo,
Oo, paulit-ulit ko itong narinig,
9 ‘Dalisay ako at walang kasalanan;+
Malinis ako at hindi nagkamali.+
11 Inilalagay niya ang mga paa ko sa pangawan;
Sinusuri niyang mabuti ang lahat ng landas na nilalakaran ko.’+
12 Pero mali ang mga sinabi mo, kaya sasagutin kita:
Di-hamak na nakahihigit ang Diyos sa taong mortal.+
13 Bakit ka nagrereklamo laban sa kaniya?+
Dahil ba hindi niya sinagot ang lahat ng sinabi mo?+
14 Ang totoo, nagsasalita ang Diyos at inuulit pa niya ito,
Pero walang nagbibigay-pansin,
15 Sa panaginip, sa pangitain sa gabi,+
Kapag mahimbing na ang tulog ng mga tao
At natutulog na sila sa kanilang higaan.
16 Binubuksan niya ang pandinig nila+
At idiniriin* ang tagubilin niya sa kanila,
17 Para mailayo ang tao sa paggawa ng masama+
At maipagsanggalang mula sa pagmamataas.+
19 Natututo ang tao kapag nakadarama siya ng kirot sa higaan niya
At kapag laging kumikirot ang mga buto niya,
20 Kaya naman nasusuklam na siya* sa tinapay
At tinatanggihan niya kahit ang masasarap na pagkain.+
23 Kung may mensahero* para sa kaniya,
Isang tagasuporta mula sa isang libong mensahero,
Na magsasabi sa tao kung ano ang tama,
24 Kalulugdan siya ng Diyos at sasabihin,
Nakakita ako ng pantubos!+
25 Magiging mas sariwa ang laman niya* kaysa noong kabataan siya;+
Babalik ang lakas niya gaya noong bata pa siya.’+
26 Makikiusap siya sa Diyos,+ at tatanggapin Niya siya,
At makikita niya ang Kaniyang mukha at magsasaya siya,
At ibabalik Niya sa taong mortal ang Kaniyang katuwiran.*
27 Sasabihin* niya sa mga tao,
‘Nagkasala ako+ at binaluktot ko ang tama,
Pero hindi ko natanggap ang nararapat sa akin.*
29 Oo, ginagawa ng Diyos ang lahat ng ito,
Dalawa o tatlong beses pa nga para sa tao,
30 Para maiahon siya mula sa hukay*
At masinagan siya ng liwanag ng buhay.+
31 Magbigay-pansin ka, Job! Makinig ka sa akin!
Manatili kang tahimik, at itutuloy ko ang sasabihin ko.
32 Kung may sasabihin ka, sumagot ka lang.
Magsalita ka dahil gusto kong mapatunayang tama ka.
33 Kung wala naman, makinig ka sa akin;
Manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”