Ang Gumising! ay Nag-aalok ng Tunay na mga Lunas
Iyan ang naiibigan ng isang mambabasa sa Vinton, Iowa, E.U.A., tungkol sa Gumising! Sinisimulan sa pamamagitan ng pagbating “Mahal na Editor,” sabi niya:
“Ako’y sumulat upang ipahayag ang aking pagpapahalaga sa napapanahong mga artikulo sa magasing Gumising! Ako’y labis na humahanga sa bawat labas na tinatanggap ko at ako’y laging napaaalalahanan tungkol sa nakahihigit na kalidad ng mga artikulo sa magasing ito.
“Maraming magasin ang nakapanghihinang-loob na basahin o tingnan, sapagkat napakaraming masamang balita sa daigdig ngayon. Sa kabilang dako, bagaman ang Gumising! ay laging tumatalakay sa mga paksa ng kasalukuyang interes at halaga sa ating lahat, ang paraan ay natatangi. Ang mga mambabasa ay laging nakatitiyak na ang Gumising! ay nag-aalok ng pag-asa sa isang tunay at nagtatagal na lunas sa pangkaraniwang mga problema sa pamamagitan ng paghimok na magtiwala sa pangako ng Bibliya at itinutuon ang pansin sa Bibliya bilang ang awtoridad, at hindi sa iba’t iba o sa personal na mga opinyon ng mga tao.
“Sa nakalipas na mga taon ako’y talagang nasiyahan sa pagbabasa ng Gumising! Ang pinakakapaki-pakinabang na pagbabasa para sa ating lahat ay yaong nagbibigay ng isang matapat na paraan upang pagbutihin ang buhay samantalang pinananatili ang isang positibong pangmalas sa hinaharap. Salamat sa pagtulong ninyo sa mga mambabasa na makita kung ano ang mahalaga.”
Kung nais mo ng isang kopya ng Gumising! na ipadala sa iyong tahanan sa pamamagitan ng koreo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.