HARIPITA
[Ni (Kay) Harip o Harup].
Isang katawagang ikinapit sa isang Benjamita, si Sepatias, na sumama kay David sa Ziklag habang si David ay hindi pa makakilos dahil kay Saul. Ang pagtawag kay Sepatias bilang isang Haripita ay maaaring nangangahulugan na alinman sa siya ay katutubo ng Harip, o Harup (isang lugar na hindi alam kung saan ang lokasyon), o inapo ng isang Harip, o Harup.—1Cr 12:1, 2, 5.