JOGBEHA
Isa sa mga nakukutaang lunsod na may mga batong kural ng kawan at itinayo o muling itinayo ng mga Gadita bago sila tumawid sa Jordan para tumulong sa pagsakop sa Canaan. (Bil 32:34-36) Pagkaraan ng ilang panahon, ang mga hukbo ni Hukom Gideon ay dumaan sa Jogbeha bago sila biglaang sumalakay sa kampo ng mga Midianita sa Karkor. (Huk 8:10, 11) Ipinapalagay na ang Jogbeha ay ang el-Jubeihat, na mga 1,050 m (3,440 piye) ang taas mula sa kapantayan ng dagat at mga 10 km (6 na mi) sa HK ng makabagong ʽAmman (Raba).