JOIARIB
[pinaikling anyo ng Jehoiarib, nangangahulugang “Makipaglaban Nawa si Jehova; Ipinakipaglaban ni Jehova ang [Aming] Usapin sa Batas”].
1. Ulo ng isang sambahayan ng mga saserdote sa panig ng ama; tinawag ding Jehoiarib. (1Cr 24:6, 7) Ang mga kinatawan ng kaniyang sambahayan (o isa pang saserdote na may gayunding pangalan) ay mga kapanahon nina Zerubabel, Nehemias, at Joiakim.—Ne 12:1, 6; 11:4, 10; 12:12, 19, 26.
2. Isang “tagapagturo” noong panahon ni Ezra.—Ezr 8:16.
3. Isang Judahitang ninuno ni Maaseias.—Ne 11:5.