Bakit Nagdusa at Namatay si Jesus?
Blg. 2 2016
MEMORYAL NG KAMATAYAN NI JESUS | MIYERKULES, MARSO 23, 2016
© 2016 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan, ay nagpaparangal sa Diyos na Jehova, ang Tagapamahala ng uniberso. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos sa langit ang lahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa politika at patuloy na inilalathala mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.
Para sa donasyon, magpunta sa www.jw.org/tl.
Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.