Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kapag ang mga may-bahay ay mayroon na ng mga publikasyong ito, ialok ang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, subalit higit naming pinasisigla ang pamamahagi ng sumusunod na apat na brosyur kung makukuha ito sa inyong wika: Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao; Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!; Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo; Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?
◼ Literaturang Tausog: Marami kaming suplay ng mga publikasyon sa wikang Tausog sa tanggapang pansangay. Pinasisigla namin yaong mga nasa mga lugar na nagsasalita ng Tausog na pumidido ng mga ito at gamitin ito kapag nakikipag-usap sa mga Muslim sa kanilang teritoryo. Ang sumusunod ay mga publikasyon na makukuha: “This Good News of the Kingdom” (buklet); Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! (brosyur); How to Find the Road to Paradise (4-na-pahinang tract); at Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan (tract T-15).