Talababa
a Ang pag-ihi sa panahon ng masayang batian ay di-kinukusa at likas lamang na paggawi ng mga aso. Kung minsan ay tinatawag itong pag-ihi bilang tanda ng pagpapasakop, na nangangahulugang kinikilala ng aso na ikaw ang lider, o nangunguna. Ang pagsaway sa iyong aso sa ganitong situwasyon ay baka magpalala lamang sa problema, dahil maaari itong maging sanhi ng higit na pag-ihi upang lalong ipakita na minamalas ka niya bilang isang nangangasiwa. Karaniwan na, ang paggawing ito ay humihinto kapag umabot na nang dalawang taon angĀ aso.