Sinalakay ng mga Imperyo ang Lupang Pangako
ANG Samaria, kabisera ng hilagang kaharian ng Israel, ay sinakop ng mga Asiryano noong 740 B.C.E. Sa gayo’y bumagsak ang mga Israelita sa kamay ng isang malupit na imperyo. Ang Asirya ay matatagpuan sa hilagang dulo ng kapatagan ng Mesopotamia, malapit sa Tigris, isa sa malalaking ilog ng Fertile Crescent. Si Nimrod ang nagtayo ng pangunahing mga lunsod ng Asirya, ang Nineve at Cala. (Gen 10:8-12) Noong panahon ni Salmaneser III, ang Asirya ay lumawak nang pakanluran, sa natutubigang-mainam at mabubungang rehiyon ng Sirya at hilagang Israel.
Sa ilalim ni Haring Tiglat-pileser III (Pul) na binanggit ng Bibliya sa pangalan, sinimulang pagmalupitan ng Asirya ang Israel. Naapektuhan din ng kampanyang pangmilitar nito ang Juda sa timog. (2Ha 15:19; 16:5-18) Dumating ang panahon, ang bumabahang “tubig” ng Asirya ay pumasok sa Juda, anupat nang maglaon ay nakarating sa kabisera nito, ang Jerusalem.—Isa 8:5-8.
Sinalakay ni Haring Senakerib ng Asirya ang Juda noong 732 B.C.E. (2Ha 18:13, 14) Dinambong niya ang 46 na lunsod ng mga Judeano, pati na ang Lakis na nasa estratehikong lugar ng Sepela. Gaya ng ipinakikita ng mapa, nagmula sa likuran ng Jerusalem ang mga hukbo nito, anupat pinalibutan ang kabisera ng Juda. Sa kaniyang mga ulat ng kasaysayan, ipinagmalaki ni Senakerib na si Hezekias ay naging “gaya ng isang ibon sa hawla,” pero iniwasang banggitin sa mga ulat ng Asirya ang pagpuksa ng anghel ng Diyos sa mga sundalo ni Senakerib.—2Ha 18:17-36; 19:35-37.
Nabibilang na ang mga araw ng Imperyo ng Asirya. Ang mga Medo, na karamihan ay naninirahan sa mabatong talampas ng tinatawag ngayong Iran, ay nagsimulang makipaglaban sa mga nalabi sa hukbo ng Asirya. Nailayo tuloy ang pansin ng Asirya sa mga probinsiya nito sa kanluran, na nagsimula na ring maghimagsik. Samantala, unti-unti nang lumalakas ang mga taga-Babilonya, anupat nasakop pa nga nito ang lunsod ng Asur. Noong 632 B.C.E., ang Nineve—isang “lunsod ng pagbububo ng dugo”—ay bumagsak sa alyansa ng mga taga-Babilonya, mga Medo, at mga Scita, mahilig makipagdigmang mga tao mula sa hilagang bahagi ng Dagat na Itim. Dito natupad ang mga hula nina Nahum at Zefanias.—Na 3:1; Zef 2:13.
Nalagot ang huling hininga ng Asirya sa Haran. Habang sinasalakay ng determinadong puwersa ng mga taga-Babilonya, sinikap ng mga Asiryano na lumaban hanggang sa dumating ang tulong mula sa Ehipto. Pero sa kaniyang pagtungo sa hilaga, si Paraon Neco ay hinarang ni Haring Josias ng Judea sa Megido. (2Ha 23:29) Nang sa wakas ay makarating si Neco sa Haran, huli na ang lahat—bagsak na ang Imperyo ng Asirya.
Imperyo ng Babilonya
Anong lunsod ang sumasagi sa iyong isip kapag narinig mo ang pananalitang “hanging gardens”? Ang Babilonya, ang kabisera ng kapangyarihang pandaigdig sa pangalan ding iyan at makahulang inilarawan bilang isang leon na may mga pakpak. (Dan 7:4) Kilaláng-kilalá ang lunsod na ito dahil sa kasaganaan, komersiyo, at pagsulong ng relihiyon at astrolohiya. Ang imperyo ay nakasentro sa maputik na kapatagan ng timugang Mesopotamia, sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at ng Eufrates. Ang lunsod ay nakasaklang sa Eufrates, at waring imposibleng magapi dahil sa mga pader nito.
Ang mga taga-Babilonya ay gumawa ng mga ruta ng kalakalan pabagtas sa mabatong disyerto ng hilagang Arabia. May panahon na tumira si Haring Nabonido sa Tema, anupat iniwan kay Belsasar ang pamamahala sa Babilonya.
Tatlong ulit na sinalakay ng Babilonya ang Canaan. Matapos talunin ni Nabucodonosor ang mga Ehipsiyo sa Carkemis noong 625 B.C.E., nagtungo naman ang mga taga-Babilonya patimog sa Hamat, na doo’y tinalo nilang muli ang umuurong na mga Ehipsiyo. Pagkatapos ay sinugod naman ng mga taga-Babilonya ang baybayin patungo sa agusang libis ng Ehipto, anupat sa daan ay winasak ang Askelon. (2Ha 24:7; Jer 47:5-7) Sa panahon ng kampanyang ito, ang Juda ay naging basalyo ng Babilonya.—2Ha 24:1.
Si Haring Jehoiakim ng Juda ay naghimagsik noong 618 B.C.E. Sa gayon ay isinugo ng Babilonya ang mga hukbong nasa karatig na mga bansa laban sa Juda, at kinubkob at sinupil naman ng sariling mga hukbo ng Babilonya ang Jerusalem. Di-nagtagal, lalong pinagsiklab ni Haring Zedekias ang sukdulang galit ng mga taga-Babilonya laban sa Juda nang isinanib niya ang kaniya kaharian sa Ehipto. Muli silang sumalakay at winasak ang mga lunsod ng Juda. (Jer 34:7) Nang dakong huli, ibinaling ni Nabucodonosor ang kaniyang hukbo sa Jerusalem, anupat sinakop ito noong 607 B.C.E.—2Cr 36:17-21; Jer 39:10.
[Kahon sa pahina 23]
MGA AKLAT NG BIBLIYA MULA SA PANAHONG ITO:
Oseas
Isaias
Mikas
Kawikaan (bahagi)
Zefanias
Nahum
Habakuk
Panaghoy
Obadias
Ezekiel
1 at 2 Hari
Jeremias
[Mapa sa pahina 23]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Imperyo ng Babilonya/Asirya
Imperyo ng Asirya
B4 Memfis (Nop)
B4 Zoan
B5 EHIPTO
C2 CIPRUS (KITIM)
C3 Sidon
C3 Tiro
C3 Megido
C3 Samaria
C4 Jerusalem
C4 Askelon
C4 Lakis
D2 Haran
D2 Carkemis
D2 Arpad
D2 Hamat
D3 Ribla
D3 SIRIA
D3 Damasco
E2 Gozan
E2 MESOPOTAMIA
F2 MINI
F2 ASIRYA
F2 Khorsabad
F2 Nineve
F2 Cala
F2 Asur
F3 BABILONIA
F3 Babilonya
F4 CALDEA
F4 Erec
F4 Ur
G3 Susan
G4 ELAM
Imperyo ng Babilonya
C3 Sidon
C3 Tiro
C3 Megido
C3 Samaria
C4 Jerusalem
C4 Askelon
C4 Lakis
D2 Haran
D2 Carkemis
D2 Arpad
D2 Hamat
D3 Ribla
D3 SIRYA
D3 Damasco
D5 Tema
E2 Gozan
E2 MESOPOTAMIA
E4 ARABIA
F2 MINI
F2 ASIRIA
F2 Khorsabad
F2 Nineve
F2 Cala
F2 Asur
F3 BABILONIA
F3 Babilonya
F4 CALDEA
F4 Erec
F4 Ur
G3 Susan
G4 ELAM
[Iba pang mga lokasyon]
G2 MEDIA
Mga Pangunahing Lansangan (Tingnan ang publikasyon)
[Katubigan]
B3 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
C5 Dagat na Pula
H1 Dagat Caspian
H5 Gulpo ng Persia
[Mga ilog]
B5 Nilo
E2 Eufrates
F3 Tigris
[Larawan sa pahina 22]
Gulod ng Lakis
[Larawan sa pahina 22]
Modelo ng sinaunang Megido
[Larawan sa pahina 23]
Paglalarawan sa “hanging gardens” ng Babilonya