2 Cronica
20 At nangyari nga na pagkatapos nito, ang mga anak ni Moab+ at ang mga anak ni Ammon+ at kasama nila ang ilan sa mga Ammonim+ ay pumaroon laban kay Jehosapat sa digmaan.+ 2 Kaya may mga taong pumaroon at nagsaysay kay Jehosapat, na nagsasabi: “May malaking pulutong na dumarating laban sa iyo mula sa pook ng dagat, mula sa Edom;+ at naroon sila sa Hazazon-tamar, na siyang En-gedi.”+ 3 Dahil doon ay natakot+ si Jehosapat at itinalaga ang kaniyang mukha upang hanapin si Jehova.+ Kaya naghayag siya ng pag-aayuno+ para sa buong Juda. 4 Nang maglaon ay nagtipon yaong mga mula sa Juda upang magtanong kay Jehova.+ Mula nga sa lahat ng lunsod ng Juda ay pumaroon sila upang sumangguni kay Jehova.+
5 Nang magkagayon ay tumayo si Jehosapat sa kongregasyon ng Juda at ng Jerusalem sa bahay ni Jehova+ sa harap ng bagong looban,+ 6 at sinabi niya:+
“O Jehova na Diyos ng aming mga ninuno,+ hindi ba ikaw ang Diyos sa langit,+ at hindi ba nagpupuno ka sa lahat ng kaharian ng mga bansa,+ at hindi ba nasa iyong kamay ang kapangyarihan at ang kalakasan, anupat walang sinuman ang makapaninindigan laban sa iyo?+ 7 Hindi ba ikaw, O aming Diyos,+ ang nagpalayas sa mga tumatahan sa lupaing ito mula sa harap ng iyong bayang Israel+ at pagkatapos ay ibinigay+ ito sa binhi ni Abraham, na umiibig+ sa iyo, hanggang sa panahong walang takda? 8 At nanahanan sila rito, at ipinagtayo ka nila rito ng santuwaryo para sa iyong pangalan,+ na sinasabi, 9 ‘Kung may sumapit sa amin na kapahamakan,+ tabak, masamang hatol, o salot+ o taggutom,+ hayaan mo kaming tumayo sa harap ng bahay+ na ito at sa harap mo (sapagkat ang iyong pangalan+ ay nasa bahay na ito), upang makahingi kami sa iyo ng saklolo mula sa aming kabagabagan, at makinig ka nawa at magligtas.’+ 10 At ngayon narito, ang mga anak ni Ammon,+ at ni Moab+ at ng bulubunduking pook ng Seir,+ na hindi mo ipinahintulot na salakayin ng Israel nang lumalabas sila mula sa lupain ng Ehipto, kundi umalis sila mula sa kanila at hindi sila nilipol,+ 11 oo, narito, ginagantihan+ nila kami sa pamamagitan ng pagparito upang palayasin kami mula sa iyong pag-aari na pinangyari mong ariin namin.+ 12 O aming Diyos, hindi ka ba maglalapat ng kahatulan sa kanila?+ Sapagkat sa amin ay walang kapangyarihan sa harap ng malaking pulutong na ito na dumarating laban sa amin;+ at hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin,+ ngunit ang aming mga mata ay nakatuon sa iyo.”+
13 Samantala ang lahat niyaong sa Juda ay nakatayo sa harap ni Jehova,+ maging ang kanilang maliliit na bata,+ ang kanilang mga asawa at ang kanilang mga anak.
14 At kung tungkol kay Jahaziel na anak ni Zacarias na anak ni Benaias na anak ni Jeiel na anak ni Matanias na Levita na mula sa mga anak ni Asap,+ ang espiritu+ ni Jehova ay sumakaniya sa gitna ng kongregasyon. 15 Sa gayon ay sinabi niya: “Magbigay-pansin kayo, buong Juda at kayong mga tumatahan sa Jerusalem at ikaw na Haring Jehosapat! Narito ang sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot+ o masindak man dahil sa malaking pulutong na ito; sapagkat ang pagbabaka ay hindi inyo, kundi sa Diyos.+ 16 Bukas ay lumusong kayo laban sa kanila. Naroon sila at umaahon sa may daanan ng Ziz; at tiyak na masusumpungan ninyo sila sa dulo ng agusang libis sa harap ng ilang ng Jeruel. 17 Hindi ninyo kakailanganing lumaban+ sa pagkakataong ito. Lumagay kayo sa inyong dako, manatili kayong nakatayo+ at tingnan ninyo ang pagliligtas+ ni Jehova para sa inyo. O Juda at Jerusalem, huwag kayong matakot o masindak man.+ Bukas ay lumabas kayo laban sa kanila, at si Jehova ay sasainyo.’ ”+
18 Kaagad na yumukod si Jehosapat habang ang kaniyang mukha ay nakaharap sa lupa,+ at ang buong Juda at ang mga tumatahan sa Jerusalem ay sumubsob sa harap ni Jehova upang mangayupapa kay Jehova.+ 19 Nang magkagayon ay tumindig ang mga Levita+ ng mga anak ng mga Kohatita+ at ng mga anak ng mga Korahita+ upang pumuri kay Jehova na Diyos ng Israel sa tinig na pagkalakas-lakas.+
20 At maaga silang bumangon sa kinaumagahan at lumabas patungo sa ilang+ ng Tekoa.+ At habang lumalabas sila, si Jehosapat ay tumayo at pagkatapos ay nagsabi: “Dinggin ninyo ako, O Juda at ninyong mga tumatahan sa Jerusalem!+ Manampalataya+ kayo kay Jehova na inyong Diyos upang kayo ay mamalagi. Manampalataya kayo sa kaniyang mga propeta+ at sa gayon ay maging matagumpay.”
21 Karagdagan pa, sumangguni+ siya sa bayan at naglagay ng mga mang-aawit+ para kay Jehova at ng mga naghahandog ng papuri+ na may banal na kagayakan+ habang lumalabas sila sa unahan ng mga nasasandatahang lalaki,+ at nagsasabi: “Magbigay kayo ng papuri kay Jehova,+ sapagkat hanggang sa panahong walang takda ang kaniyang maibiging-kabaitan.”+
22 At nang sandaling pasimulan nila ang hiyaw ng kagalakan at papuri, si Jehova ay naglagay ng mga lalaking tatambang+ laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab at ng bulubunduking pook ng Seir na pumaparoon sa Juda, at sinaktan nila ang isa’t isa.+ 23 At ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay tumayo laban sa mga tumatahan sa mga bulubunduking pook ng Seir+ upang italaga sila sa pagkapuksa at lipulin sila; at nang matapos sila sa mga tumatahan sa Seir, nagkatulungan ang bawat isa sa kanila na lipulin ang kaniyang kapuwa.+
24 Ngunit kung tungkol sa Juda, dumating ito sa bantayan sa ilang.+ Nang ibaling nila ang kanilang mga mukha sa pulutong, aba, naroon sila, ang kanilang mga bangkay ay nakabulagta sa lupa+ at walang sinumang nakatakas. 25 Kaya si Jehosapat at ang kaniyang bayan ay pumaroon upang mandambong ng samsam+ na nasa kanila, at marami silang nasumpungan sa kanila kapuwa sa mga pag-aari at sa pananamit at sa kanais-nais na mga kagamitan; at pinagkukuha nila ang mga iyon para sa kanilang sarili hanggang sa hindi na sila makabuhat pa.+ At tatlong araw silang nandambong ng samsam, sapagkat iyon ay marami. 26 At nang ikaapat na araw ay nagtipon sila sa mababang kapatagan ng Beraca, sapagkat doon nila pinagpala si Jehova.+ Iyan ang dahilan kung bakit ang pangalan+ ng dakong iyon ay tinawag nilang Mababang Kapatagan ng Beraca—hanggang sa ngayon.
27 Nang magkagayon ay bumalik na ang lahat ng lalaki ng Juda at ng Jerusalem, na si Jehosapat ang nasa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may pagsasaya, sapagkat pinagsaya sila ni Jehova dahil sa kanilang mga kaaway.+ 28 Kaya pumaroon sila sa Jerusalem na may mga panugtog na de-kuwerdas+ at may mga alpa+ at may mga trumpeta+ patungo sa bahay ni Jehova.+ 29 At ang panghihilakbot+ sa Diyos ay napasalahat ng kaharian ng mga lupain nang marinig nila na si Jehova ay lumaban sa mga kaaway ng Israel.+ 30 Kaya ang kaharian ni Jehosapat ay hindi nagkaroon ng kaligaligan, at ang kaniyang Diyos ay patuloy na nagbigay sa kaniya ng kapahingahan sa buong palibot.+
31 At si Jehosapat+ ay patuloy na naghari sa Juda. Tatlumpu’t limang taóng gulang siya nang magsimula siyang maghari, at dalawampu’t limang taon siyang naghari sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba+ na anak ni Silhi. 32 At patuloy siyang lumakad sa daan ng kaniyang amang si Asa,+ at hindi siya lumihis mula roon, sa paggawa ng tama sa paningin ni Jehova.+ 33 Gayunma’y ang matataas na dako+ ay hindi nawala; at hindi pa naihahanda ng bayan ang kanilang puso para sa Diyos ng kanilang mga ninuno.+
34 Kung tungkol sa iba pa sa mga pangyayari kay Jehosapat, ang una at ang huli, doon nakasulat ang mga iyon sa mga salita ni Jehu+ na anak ni Hanani,+ na inilakip sa Aklat+ ng mga Hari ng Israel. 35 At pagkatapos nito ay nakisosyo si Jehosapat na hari ng Juda kay Ahazias+ na hari ng Israel, na gumawi nang balakyot.+ 36 Kaya ginawa niya siyang kasosyo niya sa paggawa ng mga barko upang pumaroon sa Tarsis+ at gumawa sila ng mga barko sa Ezion-geber.+ 37 Gayunman, si Eliezer na anak ni Dodavahu ng Maresha ay nagsalita ng panghuhula laban kay Jehosapat, na nagsasabi: “Yamang nakisosyo ka kay Ahazias,+ tiyak na sisirain ni Jehova ang iyong mga gawa.”+ Sa gayon ay nagiba ang mga barko,+ at hindi na nakayanan pa ng mga iyon na makaparoon sa Tarsis.+