Nehemias
2 At nangyari nang buwan ng Nisan,+ noong ikadalawampung+ taon ni Artajerjes+ na hari, na may alak sa harap niya, at gaya ng dati ay kinuha ko ang alak at ibinigay iyon sa hari.+ Ngunit kailanman ay hindi ako naging mapanglaw sa harap niya.+ 2 Kaya sinabi sa akin ng hari: “Bakit mapanglaw ang iyong mukha+ gayong wala ka namang sakit? Ito ay walang iba kundi kapanglawan ng puso.”+ Sa gayon ay lubha akong natakot.
3 At sinabi ko sa hari: “Mabuhay ang hari hanggang sa panahong walang takda!+ Bakit nga hindi magiging mapanglaw ang aking mukha gayong ang lunsod,+ ang bahay ng mga dakong libingan ng aking mga ninuno,+ ay wasak, at ang mga pintuang-daan nito ay natupok ng apoy?”+ 4 Ang hari naman ay nagsabi sa akin: “Ano itong hinahangad mong matamo?”+ Kaagad akong nanalangin+ sa Diyos ng langit.+ 5 Pagkatapos ay sinabi ko sa hari: “Kung sa hari ay wari ngang mabuti,+ at kung ang iyong lingkod ay waring mabuti sa harap mo,+ isugo mo ako sa Juda, sa lunsod ng mga dakong libingan ng aking mga ninuno, upang muli kong maitayo+ iyon.” 6 Dahil dito ay sinabi sa akin ng hari, habang ang kaniyang malareynang abay ay nakaupo sa tabi niya: “Gaano katagal ang iyong paglalakbay at kailan ka babalik?” Kaya naging waring mabuti+ sa harap ng hari na isugo niya ako, nang ibigay ko sa kaniya ang takdang panahon.+
7 At sinabi ko pa sa hari: “Kung sa hari ay wari ngang mabuti, bigyan nawa ako ng mga liham+ para sa mga gobernador+ sa kabilang ibayo ng Ilog,+ upang pahintulutan nila akong dumaan hanggang sa makarating ako sa Juda; 8 gayundin ng isang liham kay Asap na tagapag-ingat ng parke na pag-aari ng hari, nang sa gayon ay mabigyan niya ako ng mga punungkahoy upang magamit ang kahoy sa pagtatayo ng mga pintuang-daan ng Kastilyo+ na bahagi ng bahay,+ at para sa pader+ ng lunsod at para sa bahay na aking papasukan.” Kaya ibinigay ng hari sa akin ang mga iyon, ayon sa mabuting kamay ng aking Diyos na sumasaakin.+
9 Nang maglaon ay dumating ako sa mga gobernador+ sa kabilang ibayo ng Ilog at ibinigay ko sa kanila ang mga liham ng hari. Bukod diyan, ang hari ay nagsugo ng mga pinuno ng hukbong militar at ng mga mangangabayo upang makasama ko. 10 Nang marinig iyon ni Sanbalat+ na Horonita+ at ni Tobia+ na lingkod, na Ammonita,+ sa kanila ay naging napakasama+ nito na ang isang tao ay pumaroon upang maghangad ng ikabubuti ng mga anak ni Israel.
11 Nang maglaon ay nakarating ako sa Jerusalem, at nanatili ako roon nang tatlong araw. 12 Pagkatapos ay bumangon ako nang gabi, ako at ang ilang lalaki na kasama ko, at hindi ko sinabi sa sinumang tao+ kung ano ang inilalagay ng aking Diyos sa aking puso na gawin para sa Jerusalem,+ at wala akong kasamang alagang hayop maliban sa alagang hayop na sinasakyan ko. 13 At lumabas ako sa may Pintuang-daan ng Libis+ nang gabi at sa harap ng Bukal ng Malaking Ahas at hanggang sa Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo,+ at palagi kong sinusuri ang mga pader+ ng Jerusalem, kung paanong ang mga iyon ay nagiba at ang mga pintuang-daan+ niyaon ay natupok ng apoy. 14 At nagdaan ako patungo sa Pintuang-daan ng Bukal+ at sa Tipunang-tubig ng Hari, at walang dakong madaanan ang alagang hayop na sinasakyan ko. 15 Ngunit nagpatuloy akong umakyat sa agusang+ libis nang gabi, at patuloy kong sinuri ang pader; pagkatapos ay bumalik ako at pumasok sa may Pintuang-daan ng Libis,+ at sa gayon ay nakabalik ako.
16 At hindi nalaman ng mga kinatawang tagapamahala+ kung saan ako pumaroon at kung ano ang aking ginagawa; at sa mga Judio at sa mga saserdote at sa mga taong mahal at sa mga kinatawang tagapamahala at sa iba pang mga gumagawa ng gawain ay hindi pa ako nagsasabi ng anuman. 17 Sa gayon ay sinabi ko sa kanila: “Nakikita ninyo ang masamang kalagayan natin, kung paanong ang Jerusalem ay wasak at ang mga pintuang-daan nito ay nasunog sa apoy. Halikayo at muli nating itayo ang pader ng Jerusalem, upang hindi na tayo manatiling isang kadustaan.”+ 18 At sinabi ko pa sa kanila ang tungkol sa kamay+ ng aking Diyos, kung gaano ito kabuti sa akin,+ at gayundin ang tungkol sa mga salita+ ng hari na sinabi niya sa akin. Dahil dito ay sinabi nila: “Bumangon tayo, at magtayo tayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabuting gawa.+
19 At nang marinig iyon ni Sanbalat+ na Horonita at ni Tobia+ na lingkod,+ na Ammonita,+ at ni Gesem+ na Arabe,+ pinasimulan nilang alipustain kami+ at tingnan kami nang may paghamak at sinabi: “Ano itong bagay na ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”+ 20 Gayunman, ako ay tumugon sa kanila at nagsabi sa kanila: “Ang Diyos ng langit+ ang Isa na maggagawad sa amin ng tagumpay,+ at kami mismo, na mga lingkod niya, ay babangon, at magtatayo kami; ngunit kayo ay walang bahagi,+ ni makatuwirang karapatan, ni pinakaalaala+ man sa Jerusalem.”