Job
28 “Tunay nga, ang pilak ay may dakong mapagkukunan nito
At may dako ang ginto na kanilang dinadalisay;+
2 Ang bakal ay kinukuha mula sa mismong alabok+
At mula sa bato ay ibinubuhos ang tanso.
3 Tinakdaan niya ng wakas ang kadiliman;
At sa bawat hangganan ay naghahanap siya+
Ng bato sa karimlan at matinding anino.
4 Humukay siya ng madaraanan na malayo sa tinitirahan ng mga tao bilang mga dayuhan,+
Mga dakong nalimutan na malayo sa paa;
Ang ilan sa mga taong mortal ay umuuguy-ugoy sa pagbaba, sila ay bumibitin-bitin.
5 Kung tungkol sa lupa, mula rito ay nanggagaling ang pagkain;+
Ngunit sa ilalim nito, ito ay hinalukay na waring sa pamamagitan ng apoy.
7 Isang landas—wala pang ibong maninila+ ang nakaaalam nito,
Ni nakita man ito ng mata ng lawing itim.+
8 Hindi pa ito napipikpik sa pagyapak ng mariringal at maiilap na hayop;
Ang batang leon ay hindi pa nakapaglakad-lakad dito.
9 Sa batong pingkian ay iniunat niya ang kaniyang kamay;
Giniba niya ang mga bundok mula sa kanilang pinakaugat;
10 Sa mga bato ay gumawa siya ng daluyan ng mga lagusang punô ng tubig,+
At ang lahat ng mahahalagang bagay ay nakita ng kaniyang mata.
11 Ang mga dakong pinagmumulan ng daloy ng mga ilog ay hinarangan niya,+
At ang nakakubling bagay ay inilalabas niya sa liwanag.
13 Hindi alam ng taong mortal ang kahalagahan nito,+
At hindi ito nasusumpungan sa lupain ng mga buháy.
14 Ang matubig na kalaliman ay nagsasabi,
‘Iyon ay wala sa akin!’
Ang dagat din ay nagsasabi, ‘Wala rito sa akin!’+
15 Ang dalisay na ginto ay hindi maibibigay bilang kapalit nito,+
At ang pilak ay hindi maititimbang bilang siyang halaga nito.
17 Ang ginto at ang salamin ay hindi maihahambing dito,
Ni ang anumang sisidlang dalisay na ginto ay maipapalit dito.
18 Ang korales+ at ang batong kristal ay hindi mababanggit,
Ngunit ang isang supot ng karunungan ay nagkakahalaga ng higit kaysa sa isa na punô ng mga perlas.+
21 Ito ay lingid maging sa mga mata ng lahat ng may buhay,+
At sa mga lumilipad na nilalang sa langit ay ikinubli ito.
22 Ang pagkapuksa at ang kamatayan ay nagsasabi,
‘Narinig namin ng aming pandinig ang ulat tungkol doon.’
23 Ang Diyos ang Isa na nakauunawa ng daan nito,+
At siya ang nakaaalam ng dako nito,
24 Sapagkat siya ay tumitingin sa mga pinakadulo ng lupa;+
Ang silong ng buong langit ay nakikita niya,
25 Upang bigyan ng timbang ang hangin,+
Habang tinatakal niya ang tubig sa pamamagitan ng panukat;+
26 Nang gumawa siya ng tuntunin para sa ulan,+
At ng daan para sa makulog na kaulapang-bagyo,
27 Noon ay nakita niya ang karunungan at inihayag ito;
Inihanda niya ito at siniyasat din.