Awit para sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok.+
Saan magmumula ang tulong sa akin?+
2 Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova,+
Ang Maylikha ng langit at lupa.+
3 Hindi niya maaaring ipahintulot na ang iyong paa ay makilos.+
Ang Isa na nagbabantay sa iyo ay hindi maaaring antukin.+
4 Narito! Hindi siya aantukin ni matutulog man,+
Siya na nagbabantay sa Israel.+
5 Binabantayan ka ni Jehova.+
Si Jehova ang iyong lilim+ sa iyong kanan.+
6 Kapag araw ay hindi ka sasaktan ng araw,+
Ni ng buwan man kapag gabi.+
7 Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan.+
Babantayan niya ang iyong kaluluwa.+
8 Babantayan ni Jehova ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok+
Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+