Awit ng mga Pagsampa. Ni David.
133 Narito! Anong buti at anong kaiga-igaya
Na ang magkakapatid ay manahanang magkakasama sa pagkakaisa!+
2 Ito ay tulad ng mainam na langis sa ulo,+
Na tumutulo sa balbas,
Sa balbas ni Aaron,+
Na tumutulo sa kuwelyo ng kaniyang mga kasuutan.+
3 Ito ay tulad ng hamog+ sa Hermon+
Na bumababa sa mga bundok ng Sion.+
Sapagkat doon iniutos ni Jehova na mamalagi ang pagpapala,+
Maging ang buhay hanggang sa panahong walang takda.+