Awit
Ni David.
144 Pagpalain nawa si Jehova na aking Bato,+
Na nagtuturo sa aking mga kamay upang makipaglaban,+
Sa aking mga daliri upang makipagdigma;
2 Ang aking maibiging-kabaitan at aking moog,+
Ang aking matibay na kaitaasan at Tagapaglaan ko ng aking pagtakas,+
Ang aking kalasag+ at ang Isa na pinanganganlungan ko,+
Ang Isa na nanunupil ng mga bayan sa ilalim ko.+
3 O Jehova, ano ang tao anupat papansinin mo siya,+
Ang anak ng taong mortal+ anupat isasaalang-alang mo siya?
4 Ang tao ay kahalintulad ng isang singaw lamang;+
Ang kaniyang mga araw ay tulad ng aninong lumilipas.+
5 O Jehova, iyukod mo ang iyong langit upang ikaw ay makababa;+
Hipuin mo ang mga bundok upang sila ay umusok.+
6 Magpakislap ka ng kidlat upang mapangalat mo sila;+
Isugo mo ang iyong mga palaso upang malito mo sila.+
7 Iunat mo ang iyong mga kamay mula sa kaitaasan;+
Palayain mo ako at iligtas mo ako mula sa malaking tubig,+
Mula sa kamay ng mga banyaga,+
8 Na ang kanilang bibig ay nagsasalita ng di-totoo+
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.+
9 O Diyos, isang bagong awit ang aawitin ko sa iyo.+
Sa panugtog na may sampung kuwerdas ay tutugtog ako para sa iyo,+
10 Sa Isa na nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari,+
Sa Isa na nagpapalaya kay David na kaniyang lingkod mula sa tabak na mapaminsala.+
11 Palayain mo ako at iligtas mo ako mula sa kamay ng mga banyaga,+
Na ang kanilang bibig ay nagsasalita ng di-totoo+
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan,+
12 Na nagsasabi: “Ang aming mga anak na lalaki ay tulad ng mumunting mga tanim na lumaki na sa kanilang kabataan,+
Ang aming mga anak na babae ay tulad ng mga panulukang inukit sa istilo ng palasyo,
13 Ang aming mga kamalig ay punô, na naglalaan ng mga produkto na iba’t ibang uri,+
Ang aming mga kawan ay dumarami nang libu-libo, sampung libo sa isa, sa aming mga lansangan,
14 Ang aming mga baka ay mabigat ang pasan, na walang anumang pagkapunit at walang nakukunan,+
At walang pagdaing sa aming mga liwasan.+