Awit
Awitin ni David.
29 Mag-ukol kayo kay Jehova, O kayong mga anak ng malalakas,
Mag-ukol kayo kay Jehova ng kaluwalhatian at lakas.+
2 Iukol ninyo kay Jehova ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan.+
Yumukod kayo kay Jehova nang may banal na kagayakan.+
3 Ang tinig ni Jehova ay nasa ibabaw ng mga tubig;+
Ang maluwalhating Diyos+ ay nagpakulog.+
Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+
5 Ang tinig ni Jehova ay bumabali ng mga sedro;
Oo, pinagpuputul-putol ni Jehova ang mga sedro ng Lebanon,+
6 At pinalulukso niya ang mga iyon na parang guya,+
Ang Lebanon at ang Sirion+ na tulad ng mga anak ng mga torong gubat.
7 Ang tinig ni Jehova ay umuukit sa pamamagitan ng mga liyab ng apoy;+
8 Pinamimilipit ng tinig ni Jehova ang ilang,+
Pinamimilipit ni Jehova ang ilang ng Kades.+
9 Pinamimilipit ng tinig ni Jehova ang mga babaing usa sa mga kirot ng panganganak+
At hinuhubaran ang mga kagubatan.+
At sa kaniyang templo ay sinasabi ng bawat isa: “Kaluwalhatian!”+