Awit
Ni David.
35 Ipakipaglaban mo ang aking usapin, O Jehova, laban sa aking mga kalaban;+
Makipagdigma ka laban sa mga nakikipagdigma sa akin.+
2 Humawak ka ng pansalag at malaking kalasag,+
At bumangon ka upang tumulong sa akin,+
3 At humugot ka ng sibat at kabilaang palakol upang salubungin yaong mga tumutugis sa akin.+
Sabihin mo sa aking kaluluwa: “Ako ang iyong kaligtasan.”+
4 Mapahiya nawa at maaba yaong mga humahanap sa aking kaluluwa.+
Mapabalik nawa at malito yaong mga nagpapakana ng kapahamakan para sa akin.+
6 Ang kanilang daan nawa ay maging kadiliman at madudulas na dako,+
At tugisin nawa sila ng anghel ni Jehova.
7 Sapagkat sa walang dahilan ay ikinubli nila para sa akin ang kanilang nilambatang hukay;+
Sa walang dahilan ay hinukay nila ito para sa aking kaluluwa.+
8 Dumating nawa sa kaniya ang pagkapahamak nang hindi niya namamalayan,+
At mahuli nawa siya ng sarili niyang lambat na kaniyang ikinubli;+
Bumagsak nawa siya roon sa ikapapahamak.+
10 Sabihin nawa ng lahat ng aking mga buto:+
“O Jehova, sino ang gaya mo,+
Na inililigtas ang napipighati mula sa isang mas malakas kaysa sa kaniya,+
At ang napipighati at dukha mula sa nagnanakaw sa kaniya?”+
13 Kung tungkol sa akin, nang magkasakit sila, ang pananamit ko ay telang-sako,+
Pinighati ko ng pag-aayuno ang aking kaluluwa,+
At sa aking dibdib ay bumabalik ang sarili kong panalangin.+
14 Gaya ng sa isang kasamahan, gaya ng sa kapatid ko,+
Gumala-gala akong tila nagdadalamhati dahil sa isang ina.+
Sa pagkalungkot ay yumukod ako.
15 Ngunit dahil sa aking pag-iika-ika ay nagsaya sila at nagtipon;+
Nagtipon sila laban sa akin,+
Sinasaktan ako nang hindi ko nalalaman;+
Ginutay-gutay nila ako at hindi sila nanatiling tahimik.+
16 Sa gitna ng mga apostatang manlilibak dahil sa isang tinapay+
Nagngangalit ang kanilang mga ngipin laban sa akin.+
17 O Jehova, hanggang kailan mo ito titingnan?+
Ibalik mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga pananalanta,+
Ang akin ngang kaisa-isa+ mula sa mga may-kilíng na batang leon.
19 O huwag nawang magsaya sa akin yaong mga kaaway ko nang wala namang dahilan;+
Kung tungkol sa mga napopoot sa akin nang walang dahilan, huwag nawa silang magkindat ng mata.+
20 Sapagkat hindi kapayapaan ang kanilang sinasalita;+
Kundi laban sa mga tahimik sa lupa
Mga bagay na panlilinlang ang lagi nilang ipinapakana.+
21 At ibinubuka nilang mabuti ang kanilang bibig laban sa akin.+
Sinabi nila: “Aha! Aha! nakita iyon ng aming mata.”+
O Jehova, huwag kang manatiling malayo sa akin.+
23 Bumangon ka at gumising ka sa aking kahatulan,+
O Diyos ko, si Jehova nga, sa aking usapin sa batas.+
24 Hatulan mo ako ayon sa iyong katuwiran, O Jehova na aking Diyos,+
At huwag nawa silang magsaya sa akin.+
25 O huwag nawa nilang sabihin sa kanilang puso: “Aha, aming kaluluwa!”+
Huwag nawa nilang sabihin: “Nilamon namin siya.”+
26 Mapahiya nawa sila at malitong sama-sama+
Silang nagagalak sa aking kapahamakan.+
Maramtan nawa ng kahihiyan+ at pagkaaba yaong mga lubhang nagpapalalo laban sa akin.+