Exodo
28 “At kung tungkol sa iyo, ilapit mo sa iyo si Aaron na iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang siya ay maglingkod bilang saserdote sa akin,+ si Aaron,+ si Nadab at si Abihu,+ si Eleazar at si Itamar,+ na mga anak ni Aaron. 2 At gagawa ka ng mga banal na kasuutan para kay Aaron na iyong kapatid, sa ikaluluwalhati at ikagaganda.+ 3 At ikaw mismo ang magsasalita sa lahat ng marurunong na ang puso ay pinuspos ko ng espiritu ng karunungan,+ at gagawin nila ang mga kasuutan ni Aaron upang pabanalin siya, upang siya ay maglingkod bilang saserdote sa akin.+
4 “At ito ang mga kasuutan na kanilang gagawin: isang pektoral,+ at isang epod+ at isang damit na walang manggas+ at isang mahabang damit na may disenyong pari-parisukat, isang turbante+ at isang paha;+ at gagawin nila ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na iyong kapatid at sa kaniyang mga anak, upang siya ay maglingkod bilang saserdote sa akin. 5 At kukunin nila ang ginto at ang sinulid na asul at ang lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at ang mainam na lino.
6 “At ang epod ay gagawin nilang yari sa ginto, sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura, sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit, na gawa ng isang burdador.+ 7 At ito ay magkakaroon ng dalawang dugtungang pambalikat na pagdurugtungin sa dalawang dulo nito, at ito ay pagdurugtungin.+ 8 At ang pamigkis,+ na nasa ibabaw nito bilang panali niyaon, ayon sa kayarian nito ay gagawing yari sa materyales nito, na ginto, sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit.
9 “At kukuha ka ng dalawang batong onix+ at ilililok+ mo sa mga iyon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel,+ 10 anim sa kanilang mga pangalan ay sa isang bato at ang mga pangalan ng anim pang natitira ay sa isa pang bato ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang kapanganakan.+ 11 Ayon sa gawa ng isang bihasang manggagawa sa bato, gaya ng mga lilok ng isang pantatak, ilililok mo sa dalawang bato ang mga pangalan ng mga anak ni Israel.+ Gagawin mo ang mga iyon na nakalagay sa mga enggasteng ginto.+ 12 At ilalagay mo ang dalawang bato sa ibabaw ng mga dugtungang pambalikat ng epod bilang mga batong pang-alaala para sa mga anak ni Israel;+ at dadalhin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ni Jehova sa ibabaw ng kaniyang dalawang dugtungang pambalikat bilang pinakaalaala. 13 At gagawa ka ng mga enggasteng ginto, 14 at dalawang tanikala na yari sa dalisay na ginto.+ Gagawin mo ang mga iyon bilang mga panali, ayon sa kayarian ng isang lubid; at ikakabit mo ang tulad-lubid na mga tanikala sa mga enggaste.+
15 “At gagawin mo ang pektoral ng paghatol+ ayon sa gawa ng isang burdador. Gagawin mo iyon na tulad ng kayarian ng epod. Gagawin mo iyon na yari sa ginto, sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit.+ 16 Ito ay dapat na maging parisukat kapag itiniklop, na isang dangkal ng kamay ang haba nito at isang dangkal ng kamay ang lapad nito.+ 17 At lalagyan mo iyon ng pangkalupkop na mga bato, na doon ay may apat na hanay ng mga bato.+ Hanay ng rubi,+ topacio+ at esmeralda+ ang unang hanay. 18 At ang ikalawang hanay ay turkesa,+ safiro+ at jaspe.+ 19 At ang ikatlong hanay ay batong lesem, agata+ at amatista.+ 20 At ang ikaapat na hanay ay crisolito+ at onix+ at jade. Mga enggasteng ginto ang ilalagay sa kanilang mga lalagyan.+ 21 At ang mga bato ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, ang labindalawa ayon sa kani-kanilang mga pangalan.+ Ang mga iyon ay magkakaroon ng mga lilok na gaya niyaong sa isang pantatak, bawat isa ay ayon sa pangalan nito, para sa labindalawang tribo.+
22 “At gagawa ka ng pinagkawing-kawing na mga tanikala sa ibabaw ng pektoral, sa kayariang lubid, na yari sa dalisay na ginto.+ 23 At gagawa ka ng dalawang argolyang ginto sa ibabaw ng pektoral,+ at ilalagay mo ang dalawang argolya sa dalawang dulo ng pektoral. 24 At ipapasok mo ang dalawang lubid na ginto sa dalawang argolya na nasa mga dulo ng pektoral.+ 25 At ipapasok mo ang dalawang dulo ng dalawang lubid sa dalawang enggaste, at ilalagay mo ang mga iyon sa ibabaw ng mga dugtungang pambalikat ng epod, sa pinakaharap nito.+ 26 At gagawa ka ng dalawang argolyang ginto at ilalagay mo ang mga iyon sa dalawang dulo ng pektoral na nasa gilid nito sa panig ng epod papaloob.+ 27 At gagawa ka ng dalawang argolyang ginto at ilalagay mo ang mga iyon sa ibabaw ng dalawang dugtungang pambalikat ng epod mula sa ibaba, sa pinakaharap nito, malapit sa pinaghuhugpungan nito, sa ibabaw ng pamigkis ng epod.+ 28 At itatali nila ang pektoral sa pamamagitan ng mga argolya nito sa mga argolya ng epod sa pamamagitan ng panaling asul, upang manatili ito sa ibabaw ng pamigkis ng epod at huwag matanggal ang pektoral mula sa ibabaw ng epod.+
29 “At dadalhin ni Aaron sa tapat ng kaniyang puso ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng paghatol kapag pumapasok siya sa dakong Banal bilang pinakaalaala sa harap ni Jehova nang palagian. 30 At ilalagay mo ang Urim+ at ang Tumim sa pektoral ng paghatol, at ang mga iyon ay ilalagay sa tapat ng puso ni Aaron kapag pumaparoon siya sa harap ni Jehova; at laging dadalhin ni Aaron sa tapat ng kaniyang puso ang mga kahatulan+ sa mga anak ni Israel sa harap ni Jehova.
31 “At ang walang-manggas na damit ng epod ay gagawin mong yari sa sinulid na asul sa kabuuan.+ 32 At magkakaroon ng bukasan sa itaas nito sa gitna niyaon. Ang bukasan nito ay magkakaroon ng sinepa sa palibot, na gawa ng isang manggagawa sa habihan. Iyon ay magiging tulad ng bukasan ng isang kutamaya para roon, upang iyon ay hindi mapunit.+ 33 At gagawa ka sa laylayan nito ng mga granada na yari sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus, sa laylayan nito sa palibot, at ng mga kampanilyang+ ginto sa pagitan ng mga iyon sa palibot; 34 isang kampanilyang ginto at isang granada, isang kampanilyang ginto at isang granada sa laylayan ng damit na walang manggas sa palibot.+ 35 At isusuot ito ni Aaron upang siya ay makapaglingkod, at ang tunog mula sa kaniya ay maririnig kapag pumapasok siya sa santuwaryo sa harap ni Jehova at kapag siya ay lumalabas, upang hindi siya mamatay.+
36 “At gagawa ka ng isang makintab na laminang dalisay na ginto at ilililok mo roon sa pamamagitan ng mga lilok ng isang pantatak, ‘Ang kabanalan ay kay Jehova.’+ 37 At ikakabit mo iyon sa pamamagitan ng panaling asul, at ito ay malalagay sa turbante.+ Ito ay malalagay sa pinakaharap ng turbante. 38 At ito ay malalagay sa noo ni Aaron, at si Aaron ang mananagot dahil sa kamaliang nagawa laban sa mga banal na bagay,+ na pababanalin ng mga anak ni Israel, samakatuwid ay lahat ng kanilang mga banal na kaloob; at ito ay palaging mananatili sa kaniyang noo, upang kamtin nila ang pagsang-ayon+ sa harap ni Jehova.
39 “At hahabihin mo nang may disenyong pari-parisukat ang mahabang damit na yari sa mainam na lino at gagawa ka ng isang turbante na yari sa mainam na lino,+ at gagawa ka ng isang paha,+ na gawa ng isang manghahabi.
40 “At para sa mga anak ni Aaron ay gagawa ka ng mahahabang damit,+ at gagawa ka ng mga paha para sa kanila, at gagawa ka ng mga kagayakan sa ulo+ para sa kanila sa ikaluluwalhati at ikagaganda.+ 41 At ang mga iyon ay isusuot mo kay Aaron na iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya, at papahiran mo sila+ at pupuspusin mo ng kapangyarihan ang kanilang kamay+ at pababanalin mo sila, at sila ay maglilingkod bilang mga saserdote sa akin. 42 At gumawa ka ng mga karsonsilyong lino para sa kanila bilang pantakip sa hubad na laman.+ Ang mga iyon ay dapat umabot mula sa mga balakang hanggang sa mga hita. 43 At ang mga iyon ay isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak kapag pumapasok sila sa tolda ng kapisanan o kapag lumalapit sila sa altar upang maglingkod sa dakong banal, upang huwag silang magkaroon ng kamalian at tiyak na mamatay. Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa kaniya at sa kaniyang supling na kasunod niya.+