Ezekiel
22 At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 2 “At ikaw naman, O anak ng tao, hahatulan mo ba,+ hahatulan mo ba ang lunsod na may pagkakasala sa dugo+ at ipakikilala nga sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga karima-rimarim na bagay?+ 3 At sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “O lunsod na nagbububo ng dugo+ sa gitna niya hanggang sa dumating ang kaniyang panahon,+ at siyang gumagawa ng mga karumal-dumal na idolo sa loob niya upang maging marumi,+ 4 sa pamamagitan ng iyong dugo na ibinubo mo ay nagkasala ka,+ at sa pamamagitan ng iyong mga karumal-dumal na idolo na ginawa mo ay naging marumi ka.+ At pinalalapit mo ang iyong mga araw, at darating ka sa iyong mga taon. Kaya naman gagawin kitang tampulan ng pandurusta ng mga bansa at ng pangungutya ng lahat ng mga lupain.+ 5 Ang mga lupaing malalapit at yaong malalayo sa iyo ay mangungutya sa iyo, O ikaw na may maruming pangalan, sagana sa kalituhan.+ 6 Narito! Ang mga pinuno+ ng Israel ay nasa iyo, ang bawat isa ay nakatuon sa kaniyang bisig sa layuning magbubo ng dugo.+ 7 Ang ama at ang ina ay hinamak nila sa iyo.+ Sa naninirahang dayuhan ay gumawi sila nang may pandaraya sa gitna mo.+ Ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo ay pinagmalupitan nila sa iyo.” ’ ”+
8 “ ‘Ang aking mga dakong banal ay hinamak mo, at ang aking mga sabbath ay nilapastangan mo.+ 9 Ang mga tahasang maninirang-puri ay nasa iyo, sa layuning magbubo ng dugo;+ at sa iyo ay kumain sila sa ibabaw ng mga bundok.+ Ang mahalay na paggawi ay isinagawa nila sa gitna mo.+ 10 Sa iyo ay inilantad nila ang kahubaran ng ama;+ sa iyo ay hiniya nila ang babaing marumi dahil sa kaniyang pagreregla.+ 11 At sa asawa ng kaniyang kasamahan ay gumawa ng karima-rimarim na bagay+ ang isang lalaki, at ang kaniyang sariling manugang ay dinungisan ng isang lalaki sa mahalay na paggawi;+ at sa iyo ay hiniya ng isang lalaki ang kaniyang kapatid na babae, ang anak ng kaniyang sariling ama.+ 12 Sa iyo ay tumanggap sila ng suhol sa layuning magbubo ng dugo.+ Ang interes+ at labis na patubo ay kinuha mo,+ at marahas kang nagtitipon ng pakinabang+ mula sa iyong mga kasamahan nang may pandaraya,+ at ako ay nilimot mo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.
13 “ ‘At, narito! inihampas ko ang aking kamay+ dahil sa iyong di-tapat na pakinabang na ginawa mo,+ at dahil sa iyong mga pagbububo ng dugo na nasa gitna mo.+ 14 Patuloy bang makapagbabata ang iyong puso+ o ang iyo bang mga kamay ay makapaglalaan ng lakas sa mga araw na kikilos ako laban sa iyo?+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita at ako ay kikilos.+ 15 At pangangalatin kita sa mga bansa at pananabugin kita sa mga lupain,+ at papawiin ko ang iyong karumihan mula sa iyo.+ 16 At ikaw ay tiyak na malalapastangan sa iyong sarili sa paningin ng mga bansa, at iyo ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ”+
17 At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 18 “Anak ng tao, sa akin ay naging gaya ng maruming linab+ yaong mga nasa sambahayan ng Israel. Silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga sa gitna ng isang hurno. Sila ay naging makapal na maruming linab, yaong sa pilak.+
19 “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sa dahilang kayong lahat ay naging gaya ng makapal na maruming linab,+ kaya narito, titipunin ko kayo sa gitna ng Jerusalem.+ 20 Gaya ng pagtitipon ng pilak at tanso at bakal+ at tingga at lata sa gitna ng isang hurno, upang hipan+ iyon ng apoy upang magpangyari ng pagkalusaw,+ gayon ko sila titipunin sa aking galit at sa aking pagngangalit, at ako ay hihihip at pangyayarihin kong malusaw kayo. 21 At pipisanin ko kayo at ihihihip sa inyo ang apoy ng aking poot,+ at malulusaw kayo sa gitna niya.+ 22 Gaya ng pagkalusaw ng pilak sa gitna ng isang hurno, gayon kayo malulusaw sa gitna niya; at inyo ngang malalaman na ako mismo, si Jehova, ang nagbuhos sa inyo ng aking pagngangalit.’ ”+
23 At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 24 “Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, ‘Ikaw ay isang lupaing hindi nililinisan, isa na hindi naulanan sa araw ng pagtuligsa.+ 25 May sabuwatan ng kaniyang mga propeta sa gitna niya,+ gaya ng umuungal na leon, na nanlalapa ng nasila.+ Lumalamon+ nga sila ng kaluluwa. Patuloy silang nangunguha ng kayamanan at mahahalagang bagay.+ Ang kaniyang mga babaing balo ay pinararami nila sa gitna niya.+ 26 Ang kaniyang mga saserdote mismo ay nakikitungo nang may karahasan sa aking kautusan,+ at patuloy nilang nilalapastangan ang aking mga dakong banal.+ Hindi nila kinikilala ang pagkakaiba+ ng banal na bagay at ng karaniwan,+ at wala silang ipinaaalam na pagkakaiba ng maruming bagay at ng malinis,+ at sa aking mga sabbath ay ikinukubli nila ang kanilang mga mata,+ at ako ay nilalapastangan sa gitna nila.+ 27 Ang kaniyang mga prinsipe sa gitna niya ay parang mga lobo na nanlalapa ng nasila sa pagbububo ng dugo,+ sa pagpuksa ng mga kaluluwa sa layuning magtipon ng di-tapat na pakinabang.+ 28 At ang kaniyang mga propeta ay nagpalitada ng kalburo para sa kanila,+ na nagpapangitain ng kabulaanan+ at nanghuhula para sa kanila ng kasinungalingan,+ na sinasabi: “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova,” gayong hindi naman nagsalita si Jehova. 29 Maging ang bayan ng lupain ay nagsasagawa ng pakanang pandaraya+ at nang-aagaw upang magnakaw,+ at ang napipighati at ang dukha ay pinagmamalupitan+ nila, at ang naninirahang dayuhan ay dinadaya nila nang walang katarungan.’+
30 “ ‘At patuloy akong naghahanap ng isang lalaki mula sa kanila na siyang magkukumpuni ng batong pader+ at tatayo sa puwang+ sa harap ko alang-alang sa lupain, upang hindi ko iyon ipahamak;+ at wala akong nasumpungan. 31 Kaya ibubuhos ko sa kanila ang aking pagtuligsa.+ Sa pamamagitan ng apoy ng aking poot ay lilipulin ko sila.+ Ang kanilang lakad ay pasasapitin ko sa kanilang sariling ulo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”