Nahum
2 Ang isa na nagpapangalat ay sumampa sa harap ng iyong mukha.+ Ingatan ang nakukutaang dako. Bantayan mo ang daan. Palakasin mo ang mga balakang. Patibayin mong mabuti ang kalakasan.+
2 Sapagkat titipunin ni Jehova ang pagmamapuri ng Jacob,+ tulad ng pagmamapuri ng Israel, sapagkat inalisan sila ng laman niyaong mga nag-aalis ng laman;+ at ang kanilang mga supang ay sinira nila.+
3 Ang kalasag ng kaniyang makapangyarihang mga lalaki ay tinina sa pula; ang kaniyang mga lalaking may kalakasan ay nadaramtan ng telang krimson.+ May apoy ng mga piyesang bakal ang karong pandigma sa araw ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na yari sa puno ng enebro+ ay pinanginginig. 4 Sa mga lansangan ay patuloy na humahagibis ang mga karong pandigma.+ Ang mga ito ay patuloy na rumaragasa nang paaho’t palusong sa mga liwasan. Ang kaanyuan ng mga ito ay gaya ng mga sulo. Patuloy na tumatakbo ang mga ito na parang mga kidlat.+
5 Aalalahanin niya ang kaniyang mga taong mariringal.+ Matitisod sila sa kanilang paglakad.+ Magmamadali sila patungo sa kaniyang pader, at ang barikada ay kailangang itayo nang matibay. 6 Ang mga pintuang-daan ng mga ilog ay tiyak na mabubuksan, at ang palasyo mismo ay mapupugnaw. 7 At iyon ay itinatag; siya ay inilantad; siya ay tiyak na dadalhin,+ at ang kaniyang mga aliping babae ay hahalinghing, gaya ng huni ng mga kalapati,+ na paulit-ulit na dinadagukan ang kanilang mga puso.+ 8 At ang Nineve, mula noong mga araw na umiral siya,+ ay tulad ng tipunan ng mga tubig;+ ngunit sila ay tumatakas. “Tumigil kayo! Tumigil kayo!” Ngunit walang sinumang lumilingon.+
9 Mandambong kayo ng pilak; mandambong kayo ng ginto;+ sapagkat walang takda ang dami ng mga bagay na nakaayos. Pagkarami-rami ng lahat ng uri ng kanais-nais na kagamitan.+
10 Kawalang-laman at kahungkagan, at isang lunsod na iginuho!+ At ang puso ay natutunaw,+ at may pangangatog ng mga tuhod,+ at ang matitinding kirot ay sumasalahat ng mga balakang;+ at kung tungkol sa mga mukha nilang lahat, ang mga iyon ay nagkaroon ng ningas ng pagkabagabag.+ 11 Nasaan ang tirahan ng mga leon, at ang yungib ng mga may-kilíng na batang leon, na nilakaran at pinasukan ng leon,+ na dating kinaroroonan ng anak ng leon, at walang sinumang nagpapanginig sa kanila?+ 12 Ang leon ay nanlalapa ng sapat para sa kaniyang mga anak, at nananakmal para sa kaniyang mga babaing leon. At pinananatili niyang punô ng nasila ang kaniyang mga lungga at ng mga hayop na nilapa ang kaniyang mga taguang dako.+
13 “Narito! Ako ay laban sa iyo,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo,+ “at susunugin ko sa usok ang kaniyang karong pandigma.+ At lalamunin ng tabak ang iyong mga may-kilíng na batang leon.+ At lilipulin ko mula sa lupa ang iyong nasila, at hindi na maririnig pa ang tinig ng iyong mga mensahero.”+