Zacarias
5 Pagkatapos ay itiningin kong muli ang aking mga mata at nakita ko; at, narito! isang lumilipad na balumbon. + 2 Kaya sinabi niya sa akin: “Ano ang nakikita mo?” +
Sinabi ko naman: “Ako ay nakakakita ng isang lumilipad na balumbon, na ang haba ay dalawampung siko, at ang lapad ay sampung siko.”
3 At sinabi niya sa akin: “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupa, + sapagkat ang lahat ng nagnanakaw, + ayon doon sa panig na ito, ay nakaligtas sa kaparusahan; at ang lahat ng nananata ng sumpa, + ayon doon sa panig na iyon, + ay nakaligtas sa kaparusahan. 4 ‘Pinalabas ko iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘at iyon ay papasok sa bahay ng magnanakaw at sa bahay ng nananata ng sumpa sa aking pangalan nang may kabulaanan; + at iyon ay manunuluyan sa loob ng kaniyang bahay at wawasakin ito at ang mga tabla nito at ang mga bato nito.’ ” +
5 At ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay lumabas at nagsabi sa akin: “Itingin mo ang iyong mga mata, pakisuyo, at tingnan mo kung ano itong lumalabas.”
6 Kaya sinabi ko: “Ano iyon?”
Sinabi naman niya: “Ito ang takal ng epa na lumalabas.” At sinabi pa niya: “Ito ang kanilang anyo sa buong lupa.” 7 At, narito! ang pabilog na takip na tingga ay iniangat; at ito ay isang babae na nakaupo sa loob ng epa. 8 Kaya sinabi niya: “Ito ang Kabalakyutan.” At inihagis niya siya upang mabalik sa loob ng epa, + pagkatapos ay inihagis niya sa bunganga nito ang pabigat na tingga.
9 Pagkatapos ay itiningin ko ang aking mga mata at nakita ko, at narito, may dalawang babae na lumalabas, at may hangin sa kanilang mga pakpak. At sila ay may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng siguana. At unti-unti nilang itinaas ang epa sa pagitan ng lupa at ng langit. 10 Kaya sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin: “Saan nila dinadala ang epa?”
11 Sinabi naman niya sa akin: “Upang ipagtayo + siya ng bahay sa lupain ng Sinar; + at iyon ay itatatag nang matibay, at ilalagay siya roon sa kaniyang wastong dako.”