1 Samuel
21 Sa kalaunan ay dumating si David sa Nob+ kay Ahimelec na saserdote; at si Ahimelec+ ay nanginig nang masalubong si David at nagsabi sa kaniya: “Bakit ka nag-iisa, at wala kang kasama?”+ 2 Sa gayon ay sinabi ni David kay Ahimelec na saserdote: “Inutusan ako ng hari tungkol sa isang bagay,+ at sinabi pa niya sa akin, ‘Huwag malaman ng sinuman ang tungkol sa bagay na pinagsusuguan ko sa iyo at iniuutos ko sa iyo.’ At nakipagtipanan ako sa mga kabataang lalaki sa ganoo’t ganitong dako. 3 At ngayon, kung mayroon kang limang tinapay na maibibigay, ibigay mo lamang ang mga iyon sa aking kamay, o anumang masusumpungan.”+ 4 Ngunit sumagot ang saserdote kay David at nagsabi: “Walang pangkaraniwang tinapay sa aking kamay, ngunit may banal na tinapay;+ kung ang mga kabataang lalaki lamang ay nanatiling hiwalay sa kababaihan.”+ 5 Sa gayon ay sumagot si David sa saserdote at sinabi niya rito: “Ngunit ang kababaihan ay nalayo sa amin na gaya noong una nang lumabas ako,+ at ang mga katawan ng mga kabataang lalaki ay nananatiling banal, bagaman ang atas mismo ay pangkaraniwan. At gaano pa kaya ngayon, kung maging banal ang katawan ng isa?” 6 Dahil dito ay ibinigay sa kaniya ng saserdote yaong banal,+ sapagkat walang tinapay roon maliban sa tinapay na pantanghal na inalis na sa harap ni Jehova+ upang maglagay roon ng bagong tinapay sa araw ng pagkuha niyaon.
7 At ang isa sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na iyon, na pinigilan+ sa harap ni Jehova, at ang kaniyang pangalan ay Doeg+ na Edomita,+ ang pangunahin sa mga pastol ni Saul.+
8 At sinabi pa ni David kay Ahimelec: “At wala bang anuman dito na maibibigay mo, isang sibat o isang tabak? Sapagkat hindi ko dinala ang aking sariling tabak o ang aking mga sandata man sa aking kamay, dahil ang bagay ng hari ay apurahan.” 9 Dito ay sinabi ng saserdote: “Ang tabak ni Goliat+ na Filisteo, na pinabagsak mo sa mababang kapatagan ng Elah+—narito iyon, nakabalot sa isang balabal, sa likuran ng epod.+ Kung iyon ang kukunin mo para sa iyo ay kunin mo, sapagkat wala nang iba pa rito maliban doon.” At sinabi pa ni David: “Walang anumang gaya niyaon. Ibigay mo iyon sa akin.”
10 Nang magkagayon ay tumindig si David at nagpatuloy sa pagtakas+ nang araw na iyon dahil kay Saul, at sa kalaunan ay nakarating siya kay Akis na hari ng Gat.+ 11 At ang mga lingkod ni Akis ay nagsimulang magsabi sa kaniya: “Hindi ba ito si David na hari+ sa lupain? Hindi ba sa isang ito sila patuloy na tumutugon na may mga sayaw,+ na sinasabi,
‘Si Saul ay nagpabagsak ng kaniyang libu-libo,
At si David ay ng kaniyang sampu-sampung libo’?”+
12 At isinapuso ni David ang mga salitang ito, at lubha siyang natakot+ dahil kay Akis na hari ng Gat. 13 Kaya nagbalatkayo+ siya ng kaniyang katinuan sa kanilang paningin+ at nagsimula siyang magkunwaring baliw sa kanilang kamay at patuloy na gumagawa ng mga paekis na marka sa mga pinto ng pintuang-daan at pinatutulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas. 14 Nang dakong huli ay sinabi ni Akis sa kaniyang mga lingkod: “Narito, nakikita ninyo ang isang tao na gumagawing sira ang bait. Bakit ninyo siya dadalhin sa akin? 15 Ako ba ay nangangailangan ng mga taong nasisiraan ng bait, anupat dinala ninyo ang isang ito upang gumawing sira ang bait sa harap ko? Dapat bang pumasok ang isang ito sa aking tahanan?”