10 At manahanan ka sa lupain ng Gosen,+ at manatili kang malapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak at ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan at ang lahat ng iyong tinatangkilik.
11 Kaya nagtalaga sila sa kanila ng mga pinuno sa puwersahang pagtatrabaho sa layuning siilin sila sa pagdadala nila ng pasanin;+ at nagtayo sila ng mga lunsod bilang mga imbakang dako para kay Paraon, samakatuwid ay ang Pitom at ang Raamses.+
37 At ang mga anak ni Israel ay lumisan mula sa Rameses+ patungo sa Sucot,+ na may bilang na anim na raang libong matitipunong lalaki na naglalakad, bukod pa sa maliliit na bata.+
3 At lumisan sila mula sa Rameses+ nang unang buwan, noong ikalabinlimang araw ng unang buwan.+ Nang mismong araw pagkaraan ng paskuwa+ ay lumabas ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga Ehipsiyo.+