5 Nang maglaon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron, ‘Iunat mo ang iyong kamay na hawak ang iyong tungkod+ sa mga ilog, sa mga kanal ng Nilo at sa mga lawang matambo at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.’”
5 Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Dumaan ka sa harap ng bayan+ at isama mo ang ilan sa matatandang lalaki ng Israel at dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa Ilog Nilo.+ Tanganan mo iyon sa iyong kamay at yumaon ka.
11 Sa gayon ay itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas nang makalawang ulit ang malaking bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod; at nagsimulang lumabas ang maraming tubig, at ang kapulungan at ang kanilang mga hayop na pantrabaho ay nagsimulang uminom.+