-
Exodo 16:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Tandaan ninyo na ibinigay sa inyo ni Jehova ang sabbath.+ Iyan ang dahilan kung bakit niya ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang tinapay para sa dalawang araw. Manatiling nakaupo ang bawat isa sa kaniyang sariling dako.+ Huwag lumabas ang sinuman mula sa kaniyang kinaroroonan sa ikapitong araw.”
-
-
Exodo 20:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Ngunit ang ikapitong araw ay sabbath kay Jehova na iyong Diyos.+ Huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw ni ang iyong anak na lalaki man ni ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki ni ang iyong aliping babae ni ang iyong alagang hayop ni ang iyong naninirahang dayuhan na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan.+
-