17 Kung saan ka mamamatay ay mamamatay ako,+ at doon ako ililibing. Gayon nawa ang gawin sa akin ni Jehova at dagdagan+ pa iyon kung may anumang bagay maliban sa kamatayan na maghiwalay sa akin at sa iyo.”
17 At sinabi niya: “Ano ang salita na sinabi niya sa iyo? Pakisuyo, huwag mong ilihim iyon sa akin.+ Gayon nawa ang gawin sa iyo ng Diyos at dagdagan pa niya iyon+ kung ililihim mo sa akin ang isa mang salita mula sa lahat ng salita na sinabi niya sa iyo.”
22 Gayon nawa ang gawin ng Diyos sa mga kaaway ni David at gayon nawa ang idagdag niya roon+ kung magtitira ako hanggang sa kinaumagahan+ ng sinuman sa lahat niyaong kaniya na umiihi sa pader.”+
9 Gayon nawa ang gawin ng Diyos kay Abner at gayon nawa ang idagdag niya roon,+ kung hindi gayon ang gagawin ko sa kaniya, gaya ng isinumpa ni Jehova kay David,+
13 At kay Amasa ay sasabihin ninyo,+ ‘Hindi ba ikaw ay aking buto at aking laman? Gayon nawa ang gawin ng Diyos sa akin at gayon nawa ang idagdag niya roon+ kung hindi ikaw ang palaging magiging pinuno ng hukbo sa harap ko bilang kahalili ni Joab.’ ”+