4 Pagkatapos ay nagsugo si David ng mga mensahero upang makuha niya ito.+ Sa gayon ay pumaroon ito sa kaniya+ at sinipingan niya ito,+ habang pinababanal nito ang sarili mula sa kaniyang karumihan.+ Sa kalaunan ay bumalik ito sa kaniyang bahay.
8 Sa kahuli-hulihan ay sinabi ni David kay Uria: “Bumaba ka sa iyong bahay at hugasan mo ang iyong mga paa.”+ At lumabas si Uria sa bahay ng hari, at inilabas na kasunod niya ang regalo ng hari bilang kagandahang-loob.
13 At tinawag siya ni David upang makakain siya sa harap niya at makainom. Sa gayon ay nilasing+ niya siya. Gayunpaman, lumabas siya nang kinagabihan upang humiga sa kaniyang higaan kasama ang mga lingkod ng kaniyang panginoon, at sa kaniyang sariling bahay ay hindi siya bumaba.
15 Sa gayon ay isinulat niya sa liham, na nagsasabi:+ “Ilagay ninyo si Uria sa harap ng pinakamatitinding sagupaan sa pagbabaka,+ at umurong kayo mula sa likuran niya, at dapat siyang mapabagsak at mamatay.”+