5 ‘Mula nang araw na ilabas ko ang aking bayan mula sa lupain ng Ehipto ay hindi ako pumili ng isang lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel upang magtayo ng isang bahay na doon mamamalagi ang aking pangalan,+ at hindi ako pumili ng isang lalaki upang maging lider sa aking bayang Israel.+