20 At iuunat ng mga kerubin ang kanilang dalawang pakpak nang paitaas, na nilililiman ng kanilang mga pakpak ang takip, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa isa’t isa.+ Dapat na nakaharap sa takip ang mga mukha ng mga kerubin.
4 Kaya nagsugo sa Shilo ang bayan at dinala mula roon ang kaban ng tipan ni Jehova ng mga hukbo, na nakaupo sa mga kerubin.+ At ang dalawang anak ni Eli ay naroong kasama ng kaban ng tipan ng tunay na Diyos, samakatuwid ay si Hopni at si Pinehas.+
2 At tumindig si David at ang buong bayan na kasama niya at pumaroon sa Baale-juda+ upang iahon mula roon ang kaban+ ng tunay na Diyos, kung saan may isang pangalang tinatawag, ang pangalan+ ni Jehova ng mga hukbo,+ na nakaupo sa mga kerubin.+
15 At si Hezekias ay nagsimulang manalangin+ sa harap ni Jehova at magsabi: “O Jehova na Diyos ng Israel,+ na nakaupo sa mga kerubin,+ ikaw lamang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian+ sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit+ at ng lupa.+