43 At patuloy siyang lumakad sa lahat ng daan ni Asa na kaniyang ama. Hindi siya lumihis mula roon, sa paggawa ng tama sa paningin ni Jehova.+ Gayunma’y ang matataas na dako ay hindi nawala. Ang bayan ay naghahain pa rin at gumagawa ng haing usok sa matataas na dako.+