15 At nang makapag-agahan na nga sila, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: “Simon na anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa sa mga ito?”+ Sinabi niya sa kaniya: “Oo, Panginoon, alam mong may pagmamahal ako sa iyo.”+ Sinabi niya sa kaniya: “Pakainin mo ang aking mga kordero.”+