-
Daniel 7:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Pagkatapos nito ay patuloy akong nakakita sa mga pangitain sa gabi, at, hayun! ang ikaapat na hayop, nakatatakot at kahila-hilakbot at may di-pangkaraniwang lakas.+ At iyon ay may mga ngiping bakal, malalaki. Iyon ay nanlalamon at nanluluray, at anumang natitira ay niyuyurakan nito ng kaniyang mga paa. At iyon ay kakaiba sa lahat ng iba pang hayop na nauna sa kaniya, at iyon ay may sampung sungay.+
-