42 Muli, sa ikalawang pagkakataon,+ siya ay umalis at nanalangin, na sinasabi: “Ama ko, kung hindi ito maaaring palampasin malibang inumin ko ito, maganap nawa ang iyong kalooban.”+
11 “Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng kaluwalhatian+ at ng karangalan+ at ng kapangyarihan,+ sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay,+ at dahil sa iyong kalooban+ ay umiral sila at nalalang.”+