24 Ama, kung tungkol sa ibinigay mo sa akin, nais kong, kung nasaan ako, sila rin ay makasama ko,+ upang makita ang aking kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin, sapagkat inibig mo ako bago pa ang pagkakatatag+ ng sanlibutan.+
17 Kaya nga, kung tayo ay mga anak, tayo ay mga tagapagmana rin: mga tagapagmana nga ng Diyos, ngunit mga kasamang tagapagmana+ ni Kristo, kung magdurusa+ tayong magkakasama upang luwalhatiin din tayong magkakasama.+
23 Ngunit bawat isa ay sa kani-kaniyang katayuan: si Kristo ang unang bunga,+ pagkatapos ay yaong mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.+
23 Ako ay nasa ilalim ng panggigipit mula sa dalawang bagay na ito;+ ngunit ang akin ngang ninanais ay ang paglaya at ang pagiging kasama ni Kristo,+ sapagkat ito, sa katunayan, ay lalong higit na mabuti.+
16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit+ na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel+ at may trumpeta ng Diyos,+ at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon.+
8 Mula ngayon ay nakalaan para sa akin ang korona ng katuwiran,+ na ibibigay sa akin ng Panginoon, ang matuwid na hukom,+ bilang gantimpala+ sa araw na iyon,+ gayunma’y hindi lamang sa akin, kundi gayundin sa lahat niyaong mga umibig sa kaniyang pagkakahayag.