55Kayo riyan, lahat kayong nauuhaw!+ Pumarito kayo sa tubig.+ At ang mga walang salapi! Pumarito kayo, bumili kayo at kumain.+ Oo, pumarito kayo, bumili kayo ng alak+ at gatas+ kahit walang salapi at walang bayad.+
37 Nang huling araw nga, ang dakilang araw ng kapistahan,+ si Jesus ay nakatayo at sumigaw siya, na sinasabi: “Kung ang sinuman ay nauuhaw,+ pumarito siya sa akin at uminom.
17 sapagkat ang Kordero,+ na nasa gitna ng trono, ay magpapastol+ sa kanila, at aakay sa kanila sa mga bukal ng mga tubig+ ng buhay. At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”+
6 At sinabi niya sa akin: “Naganap na ang mga iyon! Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas.+ Sa sinumang nauuhaw ay magbibigay ako mula sa bukal ng tubig ng buhay nang walang bayad.+