-
Deuteronomio 19:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 “Pero kung may galit ang isang tao sa kapuwa niya,+ at tinambangan niya ito at sinaktan, at namatay ito, at tumakbo siya sa isa sa mga lunsod na ito, 12 ipapatawag siya mula roon ng matatandang lalaki sa lunsod niya at ibibigay sa kamay ng tagapaghiganti ng dugo, at dapat siyang mamatay.+ 13 Hindi kayo dapat maawa* sa kaniya, at dapat ninyong alisin sa Israel ang pagkakasala dahil sa pagpatay sa* isang inosenteng tao,+ para mapabuti kayo.
-