-
Bilang 4:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 “Kapag aalis ang kampo, dapat matapos ni Aaron at ng mga anak niya ang paglalagay ng pantakip sa banal na lugar+ at sa lahat ng kagamitan nito. At papasok ang mga anak ni Kohat para buhatin ang mga iyon,+ pero hindi nila puwedeng hipuin ang banal na lugar dahil mamamatay sila.+ Ito ang mga pananagutan* ng mga anak ni Kohat may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.
-
-
Bilang 4:24-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Ito ang nakaatas na asikasuhin at buhatin ng mga pamilya ng mga Gersonita:+ 25 Bubuhatin nila ang mga telang pantolda ng tabernakulo,+ ang tolda ng pagpupulong, ang pantakip nito at pantakip na yari sa balat ng poka na nasa ibabaw nito,+ ang pantabing* sa pasukan ng tolda ng pagpupulong,+ 26 ang nakasabit na tabing ng looban,+ ang pantabing* sa pasukan ng looban+ na kinaroroonan ng tabernakulo at altar, ang mga panaling pantolda nito at lahat ng kagamitan nito, at ang lahat ng bagay na ginagamit sa paglilingkod dito. Ito ang atas nila.
-
-
Bilang 4:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Ito ang pananagutan nilang buhatin+ may kaugnayan sa paglilingkod nila sa tolda ng pagpupulong: ang mga hamba+ ng tabernakulo at ang mga barakilan,*+ mga haligi,+ at may-butas na mga patungan ng mga ito;+ 32 ang mga haligi+ na nakapalibot sa looban at ang may-butas na mga patungan,+ mga tulos na pantolda,+ at mga panaling pantolda ng mga ito, pati na ang lahat ng kagamitan ng mga ito at lahat ng gawaing may kaugnayan sa mga ito. Iaatas mo sa bawat isa sa kanila kung anong kagamitan ang pananagutan nilang buhatin. 33 Sa ganitong paraan maglilingkod sa tolda ng pagpupulong ang mga pamilya ng mga anak ni Merari,+ sa pangangasiwa ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.”+
-