-
Levitico 24:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 “Utusan mo ang mga Israelita na magdala sa iyo ng purong langis mula sa napigang olibo para sa mga ilawan nang hindi mamatay ang apoy ng mga ito.+ 3 Sa labas ng kurtina ng Patotoo sa tolda ng pagpupulong, titiyakin ni Aaron na laging may sindi ang mga ilawan sa harap ni Jehova mula gabi hanggang umaga. Mananatili ang batas na ito na kailangang sundin ng lahat ng henerasyon ninyo.
-