-
1 Cronica 5:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Ito ang mga anak ni Ruben+ na panganay ni Israel. Siya ang panganay, pero dahil dinungisan* niya ang higaan ng ama niya,+ ang karapatan niya sa pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose+ na anak ni Israel, kaya hindi siya itinala sa talaangkanan para sa karapatan sa pagkapanganay. 2 Kahit na nakahihigit si Juda+ sa mga kapatid niya at sa kaniya nagmula ang magiging lider,+ kay Jose ibinigay ang karapatan sa pagkapanganay.
-