-
Deuteronomio 19:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “Ito ang tuntunin para sa sinumang nakapatay na puwedeng tumakbo roon para mabuhay: Kapag di-sinasadyang napatay ng isang tao ang kapuwa niya at wala naman siyang galit dito;+ 5 halimbawa, kung manguha siya ng kahoy sa gubat kasama ang kapuwa niya at nang puputulin na sana niya ang puno gamit ang palakol, biglang natanggal ang ulo ng palakol at tumama sa kapuwa niya at namatay ito; dapat tumakbo ang nakapatay sa isa sa mga lunsod na ito para mabuhay.+
-